33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

16 na suspects sa frat death, kinasuhan na;ilang suspects, posibleng lasing

KINASUHAN na kahapon ang 16 na estudyanteng miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity
(TGPF) dahil sa pagkamatay ni Ahldryn Bravante, sa isang initiation rites na ginanap nitong
Lunes.


Inianunsyo ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagsuko ng dalawa pang suspects sa
hazing. Anim na miyembro ng fraternity ang nasa kustodiya na ngayon ng pulisya.


Ayon pa sa QCPD, posibleng lasing ang ilan sa mga suspek dahil sa pag-amin ng isa sa mga
gumawa ng initiation rites.


Nitong Miyerkules, sumuko sa QCPD ang mga suspek na sina John Xavier Clidoro Arcosa,
samantalang si John Arvin Kaylle Regualos Diocena, nitong Huwebes.


Ang apat pang suspects na nauna nang nasa kustodiya ng pulisya ay sina Justine Cantillo
Artates, Kyle Michael De Castro, Lexer Angelo Diala Manarpies at Mark Leo Domecillo
Andales. Sumuko sa pulisya nitong Maartes sina Manarpies at Andales.

Sina Artates at De Castro ay hinuli nitong Lunes ng gabi sa Chinese General Hospital sa
Maynila, nang dalhin nila si Bravante, a 25-anyos, 4 th year student ng Philippine College of
Criminilogy (PCCr) na nawalan ng malay habang dumadaan sa hazing, at kinalaunan’y
namatay.

BASAHIN  513 arestado sa P16-M buy-bust Ops sa QC


Sina Artates, De Castro, Manarpies, Andales, Arcosa at Diocena ay kasama sa 16 na suspek na
kinasuhan nitong Miyerkules nang paglabag sa Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Act
of 2018 sa Quezon City Prosecutor’s Office.


Sina Artates at De Castro ay Deputy Grand Treskilion ng TGMPF-PCCr chapter, samantalang
sina De Castro at Manarpies ang ingat-yaman at master initiator, ayon sa pagkakasunod.
Nagsasagawa ng manhut operations ang QCPD laban sa naiwan pang suspects.


“Hindi titigil ang PNP hanggang sa kayo ay mahuli at papanagutin sa krimen na inyong
ginawa,” sabi ni QCPD chief Brig. Gen. Redrico Maranan sa wikang English.


Matatandaang nitong nakaraang Pebrero, namatay din sa kamay ng Tau Gamma Phi Fraternity si
John Matthew Salilig, estudyante ng Adamson University, dahil sa hazing.

BASAHIN  Atty. Fortun kinasuhan 3 QCPD police sa maling paghawak ng road rage case

Kinasuhan ng pulisya ng paglabag sa Anti-Hazing Act sina Earl Anthony Romero, Tung Cheng Teng, Sandro Victorino, Michael Lambert Ritalde, Jerome Balot, at Mark Pedrosa. Hanggang sa ngayon ay wala pang masyadong developments ang kaso.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA