NAGBIGAY nang babala ang Department of Health (DoH) sa publiko na mag-ingat at
pangalagaan ang kanilang kalusugan dahil dumarami na ang nagkaka-trangkaso o influenza-like
illness sa bansa.
Ayon kay Philippine College of Physicians President Rontgene Solante nitong Miyerkules,
tumaas daw ng 45 percent ang naitalang kaso ng influenza-like illness base sa kanilang
monitoring na isinagawa nitong Oktubre 13.
“Kung titingnan natin iyong trend last year comparing it this year, more or less, the same;
medyo may kaunting increase lang this year ‘no. Kaya nakikita natin most regions are
experiencing this, iyong tinatawag natin na influenza-like illness: ubo, sakit ng katawan, sore
throat, and some of them may have fever,” ayon kay Solante sa isang public briefing sa Maynila.
Sa naitalang kaso na 151,375 kaso ng influenza-like illness sa bansa, mas mataas ito sa 104,613
kaso na naitala sa parehong panahon noong 2022.
Ayon sa datos, magmula 2009 hanggang sa kasalukuyan, nagkakaroon nang pagtaas ng sakit na
ito tuwing tag-ulan at malamig ang panahon.