Sumisikat ngayon sa YouTube ang tatlong Pinoy na kasapi ng Israel Defense Forces.
Nauuna rito si Msgt. Urilinda, na nagtungo sa Israel noong 2010 para maglingkod sa IDF, kahit
na siya ay Kristiyano.
Sa ngayon, nagsisilbi si Urilinda bilang combat soldier sa Caracal Battalion, para maprotektahan
ang buhay ng libo-libong mga mamamayan sa isang bahagi ng Israel. Tinawag siya ng kanyang
mga kaibigan sa Pilipinas na ‘Xena Warrior Princess’.
Ikalawang naglilingkod sa IDF si Corporal Aaron Refael, isang Filipino-Israeli.
Si Aaron ay nagmula sa isang pamilya Katoliko. Naglilingkod bilang driver sa Japanese
Embassy ang kanyang ama. Isinilang siya at pinalaki sa Herzliza City, na nasa hilagang bahagi
ng Tel Aviv.
Katulad ng bawat Israeling lalaki sa edad na 18, na-draft si Refael sa IDF. Naglilingkod siya
ngayon sa Nahal Infantry Brigade.
Ikatlong naglilingkod sa IDF si Staff Sgt. Joanne Chris Arpon.
Naging immigrant sa Israel ang kanyang mga magulang noong 1988, na kung saan, nagsilbing
yaya ang kanyang ina.
Nagsilbing inspirasyon kay Arpon sa pagsali sa IDF nang nasaksihan niya noong 2013 sa
kasagsagan ng bagyong Yolanda ang pagliligtas sa kanyang lola ng ilang volunteer soldiers ng
IDF.
“It was amazing to see the soldiers show up and help people. They saved my grandmother when
her house was destroyed…Whoa, that’s what I want to do ,” paliwanag ni Arpon.
Kahit na napaka-delikado ang pagiging sundalo ng IDF sa harap nang digmaan sa ngayon at
napipintong pagbabanta ng mga militanteng grupo mula sa Arab nations, patuloy pa rin ang
tatlo, pati na ibang Pilipino na maglingkod sa sandatahang lakas ng Israel.
Ipinakikita lamang nito ang katapangang nananalaytay sa dugo ng ating mga kababayan, katulad
ng sa bayaning si Andres Bonifacio.