33.4 C
Manila
Thursday, January 23, 2025

Mambabatas hinimok ang BFAR na tulungan ang mangingisda sa WPS

HINIMOK ng ilang mamababatas nitong Martes ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
(BFAR) na tulungan ang ating mga mangingisda sa West Philippine Sea.


Sa budget briefing ng Department of Agriculture (DA) at mga ahensyang nasa ilalim nito,
sinabi ng BFAR na kailangang ang P450 milyong badyet para sa 2024, para makabili ng MCS
patrol vessels, para sa monitoring, control, at surveillance at para matulungan ang ating mga
mangingisda sa WPS.


Makatatanggap ang BFAR ng P7.872 bilyon mula sa panukalang badyet ng DA na P167.45
bilyon. Sa 2024.


Sinabi ni BFAR director Demosthenes Escoto na kailangang bumili ng tatlong 50-meter na
barko tuwing ikalawang taon, dahil mahigit 15 taon na ang ginagamit nilang barko.


Ayon pa kay Escoto, bawat isang barko ay nagkakahalaga ng mula P150 – P200 milyon.

BASAHIN  178 PRC ambulance, alerto sa pagsalubong sa Bagong Taon


Sinabi ni Senador Senator Aquilino Pimentel IV, mahirap ang papel ng BFAR sa pagbibigay-
proteksyon sa ating exclusive economic zone, katulad ng sa Philippine Coast Guard.


“BFAR appears to be as critical as the Coast Guard even when it comes to our exclusive
economic zones. What is the role of BFAR in monitoring, supervising, and regulating the use of
our EEZ?,” ani Pimentel.


Sinuportahan din nina Senador Joseph Victor “JV” Ejercito at Senador Cynthia Villar ang
refleeting program ng BFAR.


Samantala, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command na kumikilos
sila para madagdagan ang bilang ng fishing boats ng ating mga mangingisda na nagtutungo sa
Scarborough Shoal, Rozul Reef, at Ayungin Shoal.


Iginiit ng gobyerno ng Pilipinas ang ating karapatan sa loob ng 200-mile Exclusive Economic
Zone, na patuloy na inaangkin ng China, kahit na ang Arbitral Tribunal sa the Hague ay
nagdesisyon pabor sa Pilipinas noong 2016.

BASAHIN  PBBM, muling nag-positibo sa Covid-19

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA