AYON sa Kapamilya Network, tinanggap na ng ABS-CBN ang hatol ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na suspendihin ang It’s Showtime sa loob ng 12 airing days.
Ang suspensyon ay magsisimula sa Sabado, Oktubre 14, at hindi na raw aapela ang network sa MTRCB.
Magbabalik daw ang programa sa Oktubre 28 na “stronger as ever.”
Idiniin ng ABS-CBN na kahit sumunod sila sa suspension order ay patuloy ang kanilang posisyong
walang nabaling batas ang programa.
“We respect the authority of MTRCB, but we humbly maintain that the program did not break any
pertinent law,” paninindigan ng ABS-CBN.
Samantala, sinabi ng isang netizen na diumano, kasinungalingan ang sinabi ng ABS-CBN na wala silang nilabag na batas sa kontrobersiyal na Isip-Bata segment na ipinalabas noong Hulyo 25, 2023.
Sinipi pa niya ang Presidential Decree 960 na nagbabawal ang pagpapalabas sa sinehan o telebisyon ng “immoral doctrines, obscene shows, (acts) contrary to public morals”.
Hanggang sa ngayon, hindi pa rin humihingi nang public apology si Vice Ganda at Ion Perez sa harap diumano nang kaliwa’t kanan na pagbatikos sa kanila, lalo na ng religious groups.
“Yumaman siya (Vice) dahil sa kabastusan”, ang sabi nga ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.
Kaya malinaw na hindi babaliktarin ng Office of the President ang suspension order ng MTRCB,
sakaling umapela sila.