33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Hindi ang sampal kundi “natural causes,” ang ikinamatay ng estudyante

“NATURAL CAUSES” daw ang dahilan nang ikinamatay ng Grade 5 student na sinampal ng kanyang guro, dulot nang hindi normal na kundisyon sa kalusugan.

Ito ang resulta ng autopy report ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, sa pagkamatay ni Francis Jay Gumikib, Grade 5 student ng Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City.

Matatandaang inireport na nag-comatose si Gumikib ilang araw matapos sampalin ng kanyang Filipino teacher noong Setyembre 20, 2023. Namatay ito sa ospital halos 11 araw matapos masampal.

Ipinahayag ni Lt. Col. Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo Police na ayon sa autopsy report, “cerebral edema secondary to intracerebral hemorrhage, consistent with a ruptured artery with arteriovenous malformation,” ang ikinamatay ng ni Gumikib.

Ayon pa sa medico-legal report, congenital ang sakit ni Gumikib o ipinanganak na may kakaibang
kondisyon sa kalusugan, na siyang dahilan kung bakit siya nagkaroon nang kumplikasyon ilang araw matapos masampal.

BASAHIN  Kartel ng bigas, tinitibag na ni PBBM

Ayon sa Mayo Clinic, ang arteriovenous malformation ay pagkagusot ng blood vessels na mayroong iregularidad sa pagka-konekta sa arteries at veins, na nakaaapekto sa pagdaloy ng dugo at sirkulasyon ng oksehina o oxygen.

Samantalang ang cerebral edema ay pamamaga ng utak dahil sa paglakas ng “intracranial pressure” na makapipigil sa pagdaloy ng oxygen-rich na dugo sa utak, mapigilan din ang fluid na makalabas sa utak, at makasira o makapatay sa brain cells.

Pinatawan ng Department of Education (DepEd) ng 90-araw na suspensyon ang nanampal na guro dahil sa insidente.

Sinabi ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun diumano, hwag isiping ang pananampal ang sanhi ng kamatayan ni Gumikib.

Mahigpit na ipinagbabawal ng DepEd ang corporal punishment sa mga estudyante. Ayon sa DepEd
Order 40 S. 2012 ang karahasan, pang-aabuso, diskriminasyon at bullying ng mga estudyante ay bawal na bawal na gawin ng isang guro.

BASAHIN  Gun permit ng maangas na driver na nanutok ng baril sa siklista, binawi ng PNP

Ang tanong ng ilang netizens, buhay pa kaya si Gumikib kung hindi siya sinampal ng guro?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA