33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Sen. Jinggoy, nakiramay sa pamilya ng 2 OFWS na napaslang sa Israel

NAGULAT ang buong mundo sa hindi-inaasahang paglusob sa Israel ng terrorist group na
Hamas nitong Sabado, na pumatay ng mahigit sa1,000, kasama ang dalawang overseas Filipino
workers.


Sa kanyang opisyal na pahayag, ipinaabot ni Senador Jinggoy Estrada ang pakikiramay sa
pamilya ng dalawang OFWs na napatay sa digmaan.


Dapat daw na maging handa tayo para magbigay ng tulong at suporta sa ating mga kababayan na
naapektuhan ng tensyon sa Israel. Dapat ding tiyakin na ang mga kinakailangang tulong ay
makaabot sa kanila, pati na sa kani-kanilang pamilya.


Tinatayang mayroong mahigit 30,000 OFWs ang nasa Israel at 200 naman sa Gaza Strip.
“Hinihimok ko ang ating mga kababayan na agad makipag-ugnayan sa embahada sa Tel Aviv
para sa agarang tulong at impormasyon. May sapat na pondo ang gobyerno para maisakatuparan
ang pagpapa-uwi sa ating mga kababayan,” ani Estrada.

BASAHIN  16 Pinoys nakauwi na mula israel;hospital blast, dahil daw sa islamic jihad


“May P8.9 bilyon na alokasyon sa Emergency Repatriation Fund (ERF) na nasa pangangalaga
ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa kasalukuyang taon at nasa P693.5 milyon o
7% pa lamang ang nagagamit dito. Nasa kabuuang P9.1 bilyon ang nakaantabay na gastusin para
tustusan ang agaran nilang pag-uwi,” dagdag pa niya.


Sinabi pa ng senador na ang kaniya raw puso ay sumasa-kanila sa panahon nang matinding
pagdadalamhati. At sana, magkaroon daw sila nang sapat na lakas para harapin ang mabigat na
hamong ito. Nakikidalamhati rin daw ang buong bansa sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA