33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Malaysian national huli sa panunuhol

Inaresto ng Taguig Police ang isang Malaysian national matapos suhulan ang arresting officers sa pagdampot sa kanyang kaibigan na kinasuhan ng pagmumura at alarm and scandal makaraang sitahin ng paninigarilyo sa bawal na lugar, kamakalawa ng madaling araw sa BGC, Taguig City 

Nakilala ang suspek na si Alyas Jack Boo, 33-anyos na kinasuhan ng paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code dahil sa panunuhol sa public officials sa loob mismo ng  Taguig City Police Substation 1 bandang 3:50 Miyerkules ng madaling araw.

Base sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director PBGen Roderick D Mariano, nagtungo si Boo sa Substation 1 para piyansahan ang kaibigan  na isa ring Malaysian national na alyas  Chong  na hinuli dahil sa paglabag sa Article 151 Disobedience to an Agent of Person in Authority ng Revised Penal Code, Resisting Arrest, Alarm and Scandal, Unjust Vexation, and Oral Defamation.

BASAHIN  Alyas Pogi, 2 iba pa huli sa buy-bust sa Cainta, Rizal

Ayon sa report, inaresto si Chong ng mga nagpapatrolyang pulis makaraang sitahin dahil sa paninigarilyo sa labas ng isang restaurant sa The Fort Strip sa kahabaan ng 5th avenue, BGC, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

Nabatid na lasing ang suspek at tila napikon nang sitahin ng mga pulis dahil nasa no-smoking zone siya at nagawa pang manuhol sa pulis para payagan siyang manigarilyo sa lugar.  

Maging ang security guard na si Tortosa ay inawat si Chong at pinapapasok na lamang sa restaurant subalit nagmatigas pa ang dayuhan at kapwa inaway ang dalawang sumita sa kanya.

Dahil dito, dinala sa presinto si Chong dahil sa pagmumura sa mga umarestong pulis.

Dumating naman sa Substation 1 si Boo para piyansahan ang kaibigan at nagawa pang manuhol  ng ₱30,000.00 subalit hindi  nagpadaan sa suhol ang mga pulis kaya maging siya ay hinuli na rin 

BASAHIN  Totoy huli sa pagnanakaw, balik kulungan

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang dayuhan habang hinihintay ang pagdinig  sa kaso

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA