33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Wb: Top 5 ang Pilipinas sa utang

NASA top 5 ang bansa sa pinakamaki ang utang sa World Bank (WB) para sa fiscal year
2023.


Magmula Hulyo 1, 2022 hanggang Hunyo 30, 2023, anim na loan agreements ang pinirmahan
sa ilalim ng unang taon nang panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang
kasunduan ay nagkakahalaga ng $2.336 bilyon o P133 bilyon.


Sinabi ng Bilyonaryo.com, isang news website na ang utang ay kinapapalooban nang: US$750
milyong (M) First Sustainable Recovery Developing Policy Financing; US$600-M Rural
Development Project Scale Up, US$600-M Second Financial Sector Reform Development
Policy Planning, US$176-M Fisheries and Coastal Resiliency Project, US$110-M Teacher
Effectiveness and Competencies Enhancement Project at ang US$100-M Mindanao Inclusive
Agriculture Development Project.

BASAHIN  Libreng dialysis sa Marikina ibinida ni Mayor Marcy

Ngayong 2023, India ang may pinakamalaking inutang sa WB, na nasa US$4.32 bilyon;
pangalawa ang Turkey, US$3.88 bilyon; pangatlo ang Indonesia, US$3.25 bilyon; at pang-
apat ang Ukraine, US$3.133 bilyon.


Umabot sa US$15.18 bilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas sa WB sa taong ito.

BASAHIN  Martin Diño, 66, pumanaw na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA