33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

NCRPO nagbabala vs abusadong pulis

Nababahala at nagbigay ng babala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director PBGen. Jose Melencio Nartatez, Jr.  sa lahat ng kapulisan na maging maingat sa kanilang aksyon sa mga pampublikong lugar at iwasan ang pag-inom sa mga bar, nightclub at iba pang pampublikong establisimento upang makaiwas sa anumang aberya.

“May this incident serve as a warning to all NCRPO personnel to conduct themselves properly at all times, take precautions, control their actions and do not risk the safety of people around them. No excessive use of authority will be tolerated under my watch,” ayon kay RD Nartatez.

Ito ay matapos ang pagkakaaresto sa isang pulis na si Patrolman Edwin Rivera, 26-anyos, residente ng Remarville Subdivision, Brgy. Bagbag, Novaliches City at dinala sa kustodiya ng  Regional Mobile Force Battalion habang iniimbestigahan ang kasong pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng isang biktima.

Lumabas sa imbestigasyon na may mga kasamang nag-iinuman ang suspek sa isang bar Spot Light Beer and Cocktail Launch na matatagpuan sa  Sarmiento Street, Brgy. Nova Proper, Novaliches, Quezon City na naganap bandang 4:30 ng madaling araw noong October 3, 2023 nang lumapit ang 29-anyos na biktima at doon na nagkainitan.

BASAHIN  AWOL na pulis, huli sa estafa

Ayon sa report, lumapit ang lalaki kay Rivera at nagkaroon ng gulo saka bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima at agad na rumesponde ang ilang tauhan ng Station 4 at inaresto ang kabaro.

Babala ni Nartatez na magsilbing paalala ang insidente sa lahat ng tauhan ng NCRPO na gumawa ng tama sa lahat ng oras, kontrolin ang kanilang mga aksyon at huwag ipagsapalaran ang kaligtasan ng publiko Sinabi naman ni QCPD District Director PBGen. Redrico A Maranan, na hindi nakakatuwa ang mabilis na pagkalat sa social media na kinasasangkutan ng isang pulis kaya agad na ipinag-utos ang imbestigasyon at alamin ang puno’t dulo ng kaso.

BASAHIN  2 high value tulak nasakote sa ₱476-K shabu sa Pasig

“Tungkulin naming magbigay ng serbisyong makatarungan, may integridad at propesyonalismo sa publiko. Kung kaya’t, hindi kami titigil hanggang hindi nahahanap ang at mapanagot ang taong sangkot sa insidenteng ito”, ayon kay Maranan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA