33.4 C
Manila
Monday, June 23, 2025

Rapist nalambat sa Pasig

Nalambat ng mga tauhan ng Pasig Police ang isang wanted na rapist matapos hainan ng warrant of arrest sa kasong statutory rape, kamakalawa na naaresto sa Rosario Village, Brgy. Rosario, Pasig City.

Kinilala ni PCol. Celerino Sacro, Jr hepe ng Pasig City Police Station ang akusado na si alyas “Oleg”, 20-anyos, residente ng Brgy. Rosario, Pasig City.

Inaresto si Oleg bandang 12:50 kamakalawa ng hapon sa Rosario Village, Brgy. Rosario, Pasig City ng mga tauhan ng  Station Warrant and Subpoena Section, Women and Children Protection Desk, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Nicanor Aureus Manalo Jr., Pairing Judge ng Regional Trial Court Branch 159,

BASAHIN  Kaso ng cybercrimes sa bansa, tumaas sa 16,297 ngayong 2023

Pasig City sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A, par. 1 ng Revised Penal Code as amended by R.A. 8353 at R.A. 11648 in relation to R.A. 8369 dated September 25, 2023, na may Criminal Case No. R-PSG-23-02197-CR at walang  inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nakakulong sa Pasig custodial facility ang suspek habang hinihintay ang paglilitis sa kaso.

BASAHIN  Tulak arestado sa P340-K shabu sa Caloocan buy bust ops

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA