MULING nanguna ang Lungsod ng Muntinlupa, at lumabas na pang-lima sa most competitive
sa mga urbanisadong lungsod sa bansa.
Sa Philippine Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress na ginanap sa
Manila Hotel nitong Sept. 28, kinilala ang Muntinlupa sa top five.
“We are definitely very proud as a city of this achievement, as this validates the work of the
local government to bring Muntinlupa to the forefront as an economic destination.
It also challenges us to continue to work excellently as we maintain to be the very best among cities in the Philippines and even in Southeast Asia,” saad ni Mayor Ruffy Biazon.
Naging top three ang lungsod sa kategoryang Most Competitive Highly Urbanized Cities. Base
ito sa infrastructure nito at resiliency, samantalang nasa top six naman ito sa mapanglikhang
pagbabago.
Ang kaganapan ay inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) Competitiveness
Bureau.
Ibinase sa limang pangunahing haligi o pillars ang pagpili: economic dynamism, government
efficiency, infrastructure, resilience, and innovation.
Ang limang haligi ay nagpapakita kung ang isang lungsod ay mahusay sa pamumuhunan at
kung ito ay magaling na destinasyon para sa mga lokal at banyagang mamumuhunan.