33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Grade 5 pupil sa Antipolo dedo matapos sampalin ng guro

INIHAHANDA na ng pulisya ang kaso laban sa isang guro ng Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City dahil sa pagkamatay ng isang estudyante matapos niya itong sampalin.

Kasong homicide at paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang inihahanda na ngayon ng Antipolo City Police Station laban sa guro ng Peñafrancia Elementary School na si Marisol Sison.

Ayon kay Police Executive Master Sargent Divina Rafael, ang Chief ng Womens and Children’s Section Desk ng Antipolo City Police Station, direct filing ang pagsasampa nila ng kaso sa nasabing guro.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang pananampal sa 14-anyos na si Francis Jay Gumikib noong September 20 sa loob ng eskwelahan.

Sabi ni PEMS Rafael na nagawa raw ng guro na sampalin si Francis Jay dahil isa ito sa maiingay at magugulo na mga estudyante.

BASAHIN  Nasunog na junkshop, nandamay pa ng 7 bahay sa Antipolo

Paliwanag pa ni Rafael, hinawakan di-umano ni Marisol sa buhok ang nasabing estudyante at saka sinampal sa may bahagi ng tenga ng binatilyo.

Lumalabas sa imbestigasyon na inabot pa ng ilang araw makalipas ang pananampal bago nadala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktima dahil sa pananakit ng tenga, ulo, mata at nawala na umano ito ng panimbang.

Ngunit pasado alas-10 ng umaga kahapon nang nawalan na ng buhay ang katorse anyos na si Francis Jay dahil sa blood clot o pamumuo ng dugo sa kanyang ulo batay sa pahayag ng mga doctor.

Hindi malaman ng ina ng biktima kung saan kukuha ng pambayad sa ospital dahil umaabot na sa mahigit ₱100,000 ang kanilang bill.

BASAHIN  Ilang pulis-Mandaue, nagladlad na?

Nananawagan ang mga magulang kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte na tulungan silang makamit ang hustisya sa sinapit ng kanilang anak.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA