33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Estudyante patay sa sampal ni teacher

Patay ang isang Grade 5 student matapos sampalin ng todo ng isang guro na nairita na sa sobrang kakulitan ng mga estudyante at napagbalingan ng todo ang biktima.

Kaya naman nababahala ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) na kailangang managot ang guro sa pagkamatay ng Grade 5 student  na naging ugat ng maagang pagkamatay ng 14-anyos na estudyante na si Francis Jay Dumikib, residente ng Pagray Hills, Barangay Mayamot.

 Nasa hot water naman ngayon si Teacher Marisol Sison ng Peñafrancia Elementary School sa Barangay Mayamot, Antipolo City na pansamantalang hindi na pumapasok sa paaralan.

Ayon Kay DepEd Region 4-A Atty. Melvin Faculan Matin, bumuo na sila ng five-man fact finding committee para sa imbestigation  kaugnay sa pananampal umano ng guro na naganap noong September 20 sa loob mismo ng paaralan.

Kakasuhan ng homicide at paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law at under investigation pa umano ang kaso ayon sa Deped na kung saan wala pa silang inilalabas na statement kung suspendido na ang guro.

Halos isang linggong naka-confine sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktima matapos makaramdam ng matinding pananakit ng tenga, ulo at mata at patuloy na pagsusuka at lagnat hanggang sa hindi na nakayanan pa ang sakit na naging dahilan ng pagkawala ng bata bandang 10:00 Lunes ng umaga dahil sa blood clot o pamumuo ng dugo sa ulo ng bata.

BASAHIN  Bahagi ng 750 balikbayan boxes, nai-release na sa ofws

Base  sa record ng pagamutan, nakaranas ang pasyente ng brain hemorrhage at nasawi makalipas ang 11-araw na pagkaratay sa hospital.

Ayon kay Elena Dumikib, ina ng biktima, nagsumbong sa kanya ang anak matapos ang pananampal sa kanya ng guro.

Sa imbestigasyon naman ng Womens and Children’s Section Desk ng Antipolo City Police Station, nagawa umano ng guro na saktan ang biktima dahil maingay at magugulo ang mga estudyante at ito ay kanyang nasampal matapos hawakan sa buhok at nasampal sa  may bahagi ng tenga.

Samantala, umaapela ang magulang ng biktima sa DepEd na sana ay matugunan ang kaso at mabigyan  ng hustisya ang pagkamatay ng Grade 5 na mag-aaral.

Nabatid na problemado rin ang pamilya sa kanilang hospital bill na umabot sa  mahigit P100,000 at ang pagpapalibing sa bata habang ginigipit din sila ng Punerarya sa San Pedro Calungsod dahil sinisingil sila ng P42, 000 para sa pagproseso ng bangkay  ng bata.

BASAHIN  35% ng ARMM Teachers, kulang sa reading skills!

Kausap umano ng pamilya ang Heaven’s gate sa Mambugan na nasa P18,000 lamang ang gagastusin subalit kinuha umano ng isang punerarya ang bata at inaayos na ng pamilya ang pagpapaburol sa anak. 

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA