Live selling ni Mariel, nakita ang private part ni Sen. Padilla

0
323

NAG-VIRAL sa social media ang live selling ni Mariel Padilla noong Sept. 23, nang makita
ang private part ng asawang si Senator Robin Padilla.


Ito raw ay aksidente lamang, ayon kay Mariel. Nangyari ito habang nagpo-promote ng food
supplement ang asawa ng senador.


Sa live video, makikitang nagtitimpla at iniaalog ni Robin ng food supplement na nasa
drinking container. Biglang yumuko si Robin na walang suot na underwear sa loob ng Muslim
robe na suot niya, at hindi sinasadyang nakita ang kanyang private part.


Sinabi ni Mariel sa isang Facebook message nitong Lunes. “I find na hindi naman kailangan
pag-usapan. So, hindi na kailangan mag-comment pa.”

BASAHIN  Walang personalan, Trabaho lang


Matatandaang noong 2011, nag-sorry si Robin dahil nakita rin ang kanyang private part habang
nakasuot ng boxer shorts at walang underwear. Ito ay bahagi ng documentary ng love story
nila ni Mariel na ipinalabas ng ABS-CBN.

BASAHIN  Clemency para sa OFW na nasa death row sa Indonesia, hiniling

About Author