SINAMPAHAN ng Comelec ng kasong disqualification ang 35 kandidato sa Barangay at
Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil sa paglabag sa premature campaigning.
Sinabi ni Chair George Garcia ng Comelec o Commission on Elections, na expected nilang
madaragdagan pa ang bilang ng mga makakasuhan, dahil walang-humpay umano ang
ginagawa ng ahensya para ma-validate ang mga reklamong inihain laban sa mga lumalabag na
kandidato.
Ayon pa sa Comelec, tinatayang aabot sa 194 o higit pa ang disqualification cases na
maihahain nila sa mga susunod na araw, at inaasahang mare-resolba ang mga ito bago
sumapit ang araw ng eleksyon sa Oktubre 30.
Nanguna si Comelec Director Nick Mendros, hepe ng Task Force Anti-Epal, ang pagsasampa
ng mga kaso sa Comelec Clerk. Magsasagawa rin daw ng “summary proceeedings” ang
dibisyon para mapabilis ang pagresolba sa bawat inihaing kaso, kaya hindi na kailangang ang
en-banc hearing sa bawat petisyon.
Itinakda ng Comelec ang opisyal na campaign period mula Oktubre 19-28.