33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Trabaho dapat ilaan sa 10% na Katutubo

DAPAT tuluyan nang isabatas ang Senate Bill (SB) No. 1026.


Ito ang hinihiling Commission on Human Rights (CHR) sa Senado nitong Huwebes, bilang
suporta sa SB 1026, isang panukalang batas na naglalayung bigyan ng parehas na oportunidad
sa trabaho ang mga katutubo.


Ang SB 1027 o An Act Ensuring Equal Employment Opportunities to Members of Indigenous
Cultural Communities and Preference in Certain Cases and For Other Purposes, ay inihain ni
Senador Jinggoy Estrada noon pang 2022.


Sa ilalim ng panukalang batas, inuutusan nito ang gobyerno na maglaan ng 10 percent sa mga
posisyong rank-and-file sa mga tanggapan ng pamahalaan sa mga lugar na mayroong
maraming indigenous cultural communities, saad ng CHR.

“Additionally, private enterprises that operate in areas where ICC exist and which receive
assistance, loans, or grants from the government, shall be required to give preferential
employment to members of ICC by assuring them a 10 percent slot in their workforce,”
paliwanag ng CHR.

BASAHIN  Child Rights Network nagbabala laban sa vapedemic


Sinabi pa nito na ang pagpasa ng SB 1026 ay makatutulong para ma-address ang isyu ng
kahirapan at diskriminasyon laban sa mga katutubo. Mapipigilan din ang hindi pagkakapantay-
pantay at paglabag sa kanilang karapatang pantao.


Ang mga pribadong kumpanya na nag-ooperate (sa mga lugar na maraming katutubo) na
tumatanggap nang tulong, pautang, o grants mula sa gobyerno ay inaatasan na maglaan ng 10
percent na slot sa mga posisyon sa kumpanya.


Samantala, inilahad ng International Labor Organization sa kanilang 2020 report na tatlong ulit
na mararanasan ng mga katutubo ang labis na kahirapan kaysa mga hindi katutubo.

Mataas din ang porsyento ng mga katutubo na walang trabaho, underemployed, o hindi nakapag-aral.

BASAHIN  Imbestigasyon vs D30, Bato ‘tuloy - ICC


Ayon sa 1987 na Saligang Batas, isang obligasyon ng pamahalaan na kilalanin, igalang, at
itaguyod ang karapatan ng mga katutubo at isali sila sa mga proyektong pangkaunlaran ng
pamahalaan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA