IBINASURA kahapon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang
motion for reconsideration na inihain ng abogado ng It’s Showtime.
Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang suspensyon nito.
Matatandaang nag-isyu ang MTRCB ng 12-araw na suspenyion nitong Setyembre 4 laban sa
TV program dahil sa mahalay na eksena sa segment na Isip-Bata.
Hindi kaagad naipatupad ang suspension dahil nag-file ng motion for reconsideration ang
kampo ni Vice Ganda.
“The (MTRCB) released a resolution dated 28 September 2023, denying the motions for
reconsideration filed by GMA Network, Inc. and ABS-CBN Corporation,” ayon opisyal na
pahayag ng MTRCB.
Dagdag pa nito, “Specifically, during the show’s Isip Bata segment, in which hosts Ryan Bang,
Vice Ganda and Ion Perez allegedly acted indecently or inappropriately in the presence of
children, which is alleged to have violated Section 3 (c) of Presidential Decree No. 1986 and its
Implementing Rules and Regulations.”
Sinabi noon ni Lala Sotto na hindi siya bomoto sa desisyon na suspindihin ang It’s Showtime
for delicadeza, at hindi raw siya nakikialam sa anumang proseso nang pagsuspindi pagdating
sa It’s Showtime o sa E.A.T. sa TV5, na kung saan main host ang kanyang amang si dating
Senate President Tito Sotto.
Mayroon lamang 15 araw para maghain ng motion for reconsideration ang It’s Showtime sa
Office of the President.