33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Mandatory military training – Gibo

SINABI ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na dapat nang palitan ang panukalang
batas na sapilitang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa college students, sa halip,
dapat gawin itong mandatory military training para sa bawat Pilipino na nasa tamang edad.


“Sana mapalitan ang nomenclature ng ROTC para ang ekspektasyon ng mga bata ay hindi
umangat, kasi hindi lahat magiging opisyal; kailangan may sundalo,” pahayag ni Teodoro sa
budget hearing ng P229.93 bilyon na 2024 badyet ng Department of National Defense (DND).


“Kaya gawing mandatory military training na lang, kasi we (can) choose the best. This is the
truth,” dagdag niya.

BASAHIN  Ex-VP Noli, pa-epal nga ba?


Idiniin ni Teodoro, na ang isang modernong sundalo ay kakaiba sa mga sundalo ng naunang
henerasyon.

Kailangan ng makabagong sundalo nang kasanayan sa IT o computer science, engineering, international relations, psychology, bukod pa sa pagiging proficient sa skills na
kinakailangan ng isang sundalo para maka-survive sa mahihirap na sitwasyon sa battlefield.


“So hindi lang po para sa reserve force ang ROTC ngunit pang-fill up ng tinyente sa regular
force, so importante po ang ROTC,” pagtatapos Teodoro.

BASAHIN  LRT-1 Roosevelt Station, FPJ Station na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA