‘Super health centers’, paramihin – sen. Go

0

KINOMYENDAHAN ni Senator Senador Christopher “Bong” Go, chair, Senate Committee on
Health and Demography ang Zamboanga City government at Department of Health (DoH)
matapos ang turn-over ng isang super health center (SHC) sa lungsod.


Sinabi ni Go sa isang video message nitong Sept. 21, “Patuloy po akong tutulong sa
pagpaparami ng Super Health Centers sa bansa sa abot po ng aking makakaya.

Sa mga itinayo ng Super Health Centers, nakita namin kung gaano kalaki ang naitutulong nito sa
komunidad lalo na sa malalayong lugar.”


Aniya, nakatitiyak siya na ang SHC na makapagbibigay nang nararapat na pangangalang-
medikal sa mga residente.


“It is a significant step towards enhanced healthcare services in communities. Yun po ang
layunin ng mga Super Health Centers, ang ilapit sa mamamayan ang serbisyong medikal ng
gobyerno,” dagdag pa niya.


Dahil sa pagtutulungan nina Go, DoH, LGUs, at iba pang mambabatas, sapat na badyet ang
nai-pondo sa 307 SHCs noong 2022, at 322 SHCs sa taong ito.


Ang SHC ay makapagbibigay nang malawak na pangangalagang medical katulad ng database
management, outpatient care, birthing facilities, isolation areas, diagnostic services (kasali ang
laboratory tests, X-rays, and ultrasounds), pharmacy services, ambulatory surgical units at iba
pa.

About Author

Show comments

Exit mobile version