33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

China ipokrito – Gibo teodoro

SINAGOT ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang patsusada ng Chinese Foreign
Ministry spokesperson Mao Ning na hindi raw ang China kundi ang Pilipinas ang sumisira sa
maritime resources ng West Philippine Sea (WPS).


Tinawag ito ni Gibo na kaipokritohan o mapagkunwari. Nauna nang isiniwalat ni Vice Admiral
Alberto Carlos, AFP-Western Command Chief na nilimas na raw ng China ang sankatutak na
coral reefs sa Sabina Shoal.


“The statement of China that the grounded Sierra Madre is causing irrevocable harm is to put it
as politely as possible–hypocritical. Talk about the pot calling the kettle black!” sagot ni
Teodoro.


Idiniin ni Gibo na kasinungalingan ang sinabi ni Ming na lumilikha lamang umano ng ‘political
drama’ o kathang isip lamang ito ng Pilipinas.

BASAHIN  PI ni Martin paiimbestigahan ni Imee


Pinagbintangan pa ni Ming na ang nakasadsad daw ng BRP Sierra Madre ang lumilikha ng
pinsala sa maritime environment dahil sa kalawang nito.


“China continues to damage the WPS by its illegal reclamation activities in the South China
Sea (SCS) and it was found to be a violator of international law in the 2016 Arbitral Award
when such activities damaged the marine environment,” ayon pa kay Teodoro.


Ipinaliwanag ni Teodoro na ang patuloy daw na pagpapalabas ng black propaganda ng China
ang nagdaragdag sa tensyon sa WPS. Ito ang katibayan nang kawalan ng senseridad ng
bansang ito, kaya halos lahat ng mga Pilipino ay hindi naniniwala sa mga pahayag nito.

BASAHIN  Extension ng deadline ng PUVMP, nais ng House; ‘Right to work, is right to life’ - Manibela


Ang BRP Sierra Madre, na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas, ay nagsisilbing himpilan ng mga
sundalong Pinoy na nagbabantay sa WPS

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA