33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Atasha muhlach: Legit dabarkads na sa E.A.T

IPINAKILALA na nitong Sabado, ang maganda at kaakit-akit na anak nina Aga Muhlach at
Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach bilang new member ng Legit Dabarkads sa E.A.T. ng
TV5.


Nakakatuwa ang pagpapakilala kay Atasha dahil nagsimula ito sa isang interesting na kwento.
Tila katulad nang pagkaka-develop sa original Kalyeserye ng Eat Bulaga na nagpasikat sa
AlDub team nina Alden Richards at Maine Mendoza, na gumawa nang hindi mapapantayang
record, hindi lang sa TV ratings, kundi maging sa social media.


Ayon kay Atasha, “Maraming salamat po sa warm welcome. And I’m really excited to be part of
such a beautiful and kind-hearted family. So, thank you po. Salamat.”

BASAHIN  Ph Uutang ng US$1.14-B sa World Bank


Ayon kay master henyo, Joey de Leon, “Dumating na ang A.I.—Ang Iniintay ng Dabarkads!”


“Sabi nga ng parents mo, kailangan mo munang magtapos ng studies which you did, with
honors. Congratulations. Sana mag-enjoy ka dito sa Dabarkads,” dagdag ni Joey.


Tiyak na lalo raw tatambakan ng E.A.T. ang Tape Bulaga sa ratings. Abangan!

BASAHIN  Forbes: US$80-B, Yaman ng 50 tycoons sa bansa

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA