33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

3 tulak arestado sa P400K shabu sa Valenzuela

Kulungan ang bagsak ng tatlong tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual (HIV) matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakilala ang suspek na si Michael Santos, 50, (HIV/Pusher) residente ng Santos Compd, Brgy. Malinta.

 Ayon sa report, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Joel Madregalejo ng buy bust operation bandang 9:00 ng umaga, kasunod ng naganap na transaksyon sa pagitan ng suspek at pulis sa pagbili ng shabu.

 Nang tanggapin ni Santos ang P8,500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba sa Mc Arthur Hway corner ACA St., Brgy., Malanday.

BASAHIN  Tinaguriang Most Wanted person ng Calabarzon, arestado sa manhunt operation ng Taytay Police

Nakumpiska kay Santos ang humigi’t kumulang 30 gramo ng  shabu na may standard drug price value na P204,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang 8-pirasong P1,000 boodle money at isang motorsiklo na gamit niya.  

Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU si Bambi Claro, 26, ng Blk 6 Lot 13 Phase 2A Northville 1, Brgy. Bignay, sa buy bust operation sa T. Santiago St.,  Brgy., Veinte Reales matapos bentahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang undercover police poseur-buyer, alas-8:15 ng gabi.

Nakumpiska kay Claro ang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P170,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang 8-pirasong P1,000 boodle money at P100 recovered money.

Samantala, sa Brgy., Marulas, nasakote naman ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operatin din sa R. Delfin Street si Jonathan Ebacuado alyas “Atan”, 31, bandang alas-12:00 ng tanghali.

BASAHIN  BI, Pulisya, binatikos ni Tulfo kaugnay ng POGO raid

Nakumpiska kay Ebacuado ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000, marked money, cellphone at P100 recovered money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II ng RA 9165 ang isasampa nila kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA