33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Estudyanteng Pilipino, inimbitahang mag-aral sa Korea

NAIS nang South Korean Ministry of Education (MoE) na maging bahagi ang estudyanteng
Pilipino ng programang Study Korea 300K.


Ito ay naglalayung makapag-imbita nang 300,000 foreign students simula sa 2024, para lalong
mapalakas ang ekonomiya nito at makaakit ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa.


Ito ang alok ni Korea Education Minister Lee Ju-Ho, sa isang pagpupulong na ginanap kasama
si Vice President and Education Secretary Sara Duterte, nitong Huwebes.


“Many students from the Philippines come to Korea, so we discussed about the students who
go abroad to study. And Korea is currently running a program called Study Korea 300K, so we
discussed about this project,” ayon kay Korea Global Education Policy Division director Lee
Hyejin.

BASAHIN  ‘Tahanang Pinakamasaya,’ hindi na masaya; 130 kawani mawawalan ng trabaho


Sinabi niya na may 180,000 foreign students sa bansa. At magiging maluwag ang mga
dokumentong kailangang para sa visa ng mga estudyanteng nais lumahok sa programa.


“Students, for example, who are intelligent and developed in science and IT, we can relieve the
visa condition… Currently, they have to renew the visa every year and it is quite difficult, so we
try to relieve the situation,” ayon kay Lee.


Ang programa ay magiging bukas din sa mga estudyante ng high school. Interesado ang mga
paaralan sa Seoul, Gyeongbuk, Jeonbuk, at Jeonnam na mag-host ng mga estudyante.

Pabibilisin din ng gobyerno ng Korea ang programa para sa mga nais mag-aral dito na may
advanced degrees sa science and technology, na magkaroon nang permanent residency o
maging naturalized Korean citizens sa maikling panahon.

BASAHIN  Ultrasound, X-ray atbp., dapat sakop din ng PhilHealth

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA