KUNG ang maraming Pilipino ay gustong-gusto maging Canadian o American citizen, kabalikataran
naman ito kay Kyle Jennermann, isang Canadian.
Dahil isa nang ganap na Filipino citizen si Jennermann, and sikat na Canadian vlogger na lalong
kilala bilang si Kulas.
Pormal nang ginawaran ng pagkamamamayang Pilipino si Jennerman, ayon sa kanyang post
nitong Miyerkules.
Noong Mayo 2023, inaprubahan ng Kongreso ang House Bill No. 1764 na naglalayung bigyan si
Jennerman ng Filipino citizenship dahil sa pagtuloy na pagpo-promote nito ng Pilipinas sa buong
mundo, gamit ang kanyang vlog. Si Biñan City Rep. Marlyn Alonte ang naghain nang HB No. 1764.
“Naniniwala tayong ang panukalang batas na ito ay hindi lamang para sa kapakanan ni Kulas kung
‘di ito ay magbibigay daan sa mas malalim at malawak na pagkilala sa angking talino at galing ng
lahing Filipino,” Alonte said.
“Stuck with this belief, ‘Kulas,’ which is the nickname that Jennermann was given several years ago by one of the manongs whom he met in one of his travels, lived with a purpose: introduce the
Philippines to the rest of the world through the internet with his vlogs,” idinagdag pa ni Alonte.
“Ang kontribusyon ni Kula sa pagpapalaganap ng kultura at pagkakakilanlan ng Pilipino sa buong
mundo ay mga katunayan na talagang nararapat siyang maging Pilipino,” dagdag ni Alonte sa
wikang English.
Mayroong mahigit 1.07 milyon na subscribers si Kulas sa kanyang YouTube channel na
BecomingFilipino. Ito’y humihikayat sa mga banyaga at Pilipino na puntahan ang makapigil-
hiningang mga tanawin sa bansa.
Kinilala ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga nagawa ni Jennerman sa pagsusulong
nang bansa na mas matindi pa raw sa ginawa ng ilang mga Pilipino vloggers. Si Kulas ay
ipinanganak at lumaki sa Vancouver Island, Canada, pero nang tumira raw siya sa bansa sa loob
ng halos 10 taon, naging isa siyang tunay na Pilipino.