Kaso ng cybercrimes sa bansa, tumaas sa 16,297 ngayong 2023

0

DAHIL sa dumaraming Pilipino ang gumagamit ng Internet, umabot sa 16,297 ang mga kaso ng
cybercrimes ang naimbistigahan ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group, sa unang
walong buwan ng 2023.


Sinabi ni PNP-ACG Director, Police Brig. Gen. Sidney S. Hernia nitong Huwebes na sa 16,297,
umabot sa 397 ang naaresto at 4,092 nabigyan ng police assistance.


“These cybercrime incidents are not static; they evolve with technology. This year, cybercriminals
have exploited emerging technologies like Non-Fungible Tokens (NFTs), cryptocurrencies, and
online casinos to defraud unsuspecting victims,” dagdag pa niya.


Sa tala ng PNP-ACG, naririto ang 10 pangunahing cybercrimes sa bansa: online scams, illegal
access, computer related identity theft, ATM/Credit card fraud, threats, data interference, anti-
photo and video voyeurism, computer related fraud, at unjust vexation.


Magmula nang naisabatas ang Republic Act No. 11934 o ang SIM card registration law, biglang
lomobo ang bilang ng online crimes, gamit ang mobile phones.

Sinabi ni Hernia na patuloy daw na mino-monitor ng ACG ang online activities gaya ng E-Sabong.
Kasabay nito, patuloy nilang pinaiigting ang cyber patrol operations laban sa terorismo, fake news
sa iba’t-ibang social media platforms, pati na rin ang pagsasagawa ng digital forensic examinations para makakuha ng mga ebidensya na magpapalakas ng kaso laban sa cyber-criminals.

About Author

Show comments

Exit mobile version