Rapist na trike driver laglag sa Antipolo Police

LAGLAG sa kamay ng Antipolo City Police ang isang most wanted person na nakatala bilang Rank 2 Provincial level ang nakakulong ngayon dahil sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad

Ang akusado ay nakilalang si Alyas Victor, 47-anyos, tricycle driver at resudente ng Antipolo, City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director, PCol. Felipe Maraggun, ikinasa ang operasyon bandang 4:40 Miyerkules ng hapon sa Pinagmisahan St., Sitio White Cross, Brgy. Dela Paz, Antipolo, City.

Matagumpay na naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para 4 counts of statutory rape case at walang inirekomendang piyansa para dito.

Kasalukuyang nakakulong sa Antipolo Custodial Facility ang akusado habang hinihintay ang pagdinig sa korte.

Samantala, pinuri naman  ni Col. Maraggun ang mga tauhan ng Antipolo Police sa matagumpay na pagkakaresto ng akusado na isa lamang sa magandang resulta ng walang kapagurang pagseserbisyo at pagtutulungan ng kapulisan para sa mga kababayan sa Rizal.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...