SINABI ni Commission on Higher Education Chairp Prospero de Vera III na ang state universities
and colleges (SUCs) – pati na ang pinopondohan nang pamahalaang lokal – ay dapat na
makatanggap nang mas maraming estudyante.
Kung mabibigyan lang ng sapat na suporta, mabibigyan ng SUCs ng tertiary education ang mga
kabataang Pilipino, dagdag pa niya.
Nilinaw ni De Vera na halos kakalahati lamang sa mga kwalipikadong maging iskolar ng bayan ang
nakakapag-aral sa SUCs dahil sa kakulangan ng pasilidad, at iba pang dahilan.
Binanggit niya ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) na nakatatanggap lamang ng
15-20 percent. Higit itong mababa kaysa sa ibang institusyon ng gobyerno na may 50 percent.
Ganito rin ang suliranin ng Mariano Marcos State University, Caraga State University, Western
Visayas State University, at Visayas State University.
“Mas maraming kabataan ang nais mag-aral (sa kolehiyo), pero hindi sila natatanggap ng mga
pamantasan dahil sa kakulangan nang pasilidad. Mas marami sana ang makakapag-aral kung
magtatayo nang mas maraming gusali at pasilidad,” pahayag ni De Vera sa wikang English.
Magmula naang nagsimula ang pandemya noong 2020, maraming mga estudyante na nag-aaral sa pribadong pamantasan o kolehiyo ang lumipat na sa SUCs, anang hepe ng CHEd.
Magmula noong 2018 hanggang sa kasalukuyan, mahigit dalawang milyong estudyante ang
nakinabang sa pag-aaral sa SUCs. Ito ay matapos lagdaan ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte
ang Republic Act No. 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education, kahit na mariing
tumutol si Budget Secretary Benjamin Diokno dahil sa kakulangan nang pangmatagalang pondo.
May dalawang milyong estudyante na nakapagtapos sa 220 SUCs magmula academic year 2018- 2019 at 2021-2022. Sinipi ni De Vera ang pag-aaral ng World Bank na sa bawat dolyar na ginagastos sa tertiary education, maka-sampung ulit ang kapalit nito sa economic benefits sa mga nakapagtapos, pati na rin sa bayan.