33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

55,000 Guro, kailangan ng US

IPINAHAYAG ng National Center for Education Statistics’ (NCES) School Pulse Panel sa Amerika
na 42 percent ng mga principal ang nagsabing lumalaki ang bilang ng mga guro at non-teaching
staff na nag-resign nitong nakaraang school year.


Sa mga paaralang may 75 percent minority population, apat sa 10 paaralan ang may seryosong
problema sa kakulangan ng guro.


Dati, kailangang ang isang guro sa US ay nagtapos ng kurso sa native English-speaking na bansa
gaya ng Amerika at U.K., pero dahil sa umabot na sa mahigit 55,000 ang bakanteng posisyon,
inalis na nila ang requirement na ito, basta ang banyagang guro ay mag-aaral muli sa US.


Pero ayon kay Elliott Crump, Superintendent of Shelby Public School District sa isang interview sa
NextDayBetter YouTube channel, hindi seryosong problema ang kakulangan ng guro sa kanyang
school district.


Ito ay dahil sa pagkuha nila ng mga aplikanteng guro mula sa Pilipinas na may master’s degree at
mahabang karanasan sa pagtuturo.

BASAHIN  Igalang ang mga ‘inosenteng’ sibilyan—VP Sara


Sinabi ni Crump, “All of our Filipino teachers are doing that… I see them in the classroom and they
are doing a fabulous job!” Kahit daw minsa’y may problema sa pagkuha ng working visa para sa Filipino teachers, sulit ito dahil sa kanilang mahusay na pagtuturo at dedication sa trabaho, na nakatulong sa kaniyang mga estudyante na matuto.


Sa ngayon, may average na mula US$42,000 hanggang sa mahigit na US$60,000 ang taunang
sweldo ng guro sa US public schools. Ang special education teachers na may master’s degree ay
pwedeng sumuweldo sa pribadong paaralan ng US$100,000 o higit pa kada taon.


Sa mga gurong nais mag-apply, magtanong sa Department of Migrant Workers o kaya, bisitahin
ang website ng bawat American state na may vacancy. Kapag “direct hire” ang isang aplikante,
sagot ng employer ang pamasahe, pati na tirahan, at walang placement fee.

BASAHIN  3 suspek sa Jumalon slay, tinukoy ng PTFoMS


Huwag pong mag-apply sa recuiter o illegal recruitment agency, baka kayo mapahamak. Wala po
silang kakayahang bigyan kayo ng trabaho sa US.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA