33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Sotto, resign! MTRCB, i-abolish – UP-DBC

MARIING kinondena ng University of the Philippines Department of Broadcast Communication (UP-
DBC) kamakailan ang pagsuspindi ng Movies and Television Review and Classification Board
(MTRCB) sa TV show na It’s Showtime.


Ayon sa UP-DBC, hindi raw tama na pinaiiral ng MTRCB ang “censorship” pagdating sa pag-
regulate ng (mga programa sa) telebisyon, dahil tila nagagamit daw ang ahensiya para sa “regime
of control and oppression,” ayon sa interview ng Pep.Ph kamakailan.


Hindi nilinaw o ipinaliwanag ng UP-DBC kung bakit hindi makatwrian ang pagsuspindi sa isang
programang may malaswang segment, na ayon sa Sec. 201 ng Revised Penal Code ay “contrary
to public morals”.


Ayon pa sa isang social scientist, diumano, imposible raw maging epektibo ang “self-regulation”
dahil walang disiplina ang mga Pilipino. Pinatunayan ito ng maraming malalaswa, bastos, at
double-meaning na mga pahayag o segment sa It’s Showtime. Ilang beses daw bang binastos at
ginawang katatawanan ni Vice Ganda ang batang si Sasha Dagdag habang kumakanta ito sa
programa niya noon? Kung hindi man ito violence against a child, ito ay isang uri ng pamamahiya
sa national television, para lamang makapagpatawa.

BASAHIN  Ospital para sa ‘modern heroes’, nais ni Rep. GMA


Idinagdag pa ng UP-DBC na kung hindi man i-abolish ang ahensya ay dapat sumailalim ito sa
transpormasyon “para sa makatuwirang information and media literacy.”
Hanggang sa ngayon, hinihintay pa rin ng taong bayan ang “plan of action” para sa isang
makatwirang information and media literacy program na isinusulong ng UP-DBC.


Samantala, ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto, “I think, that is very biased naman… That is why we always encourage the hosts to please stay within the boundaries of the classification and rating
system that we have, para hindi naaapektuhan.”


Ayon naman sa UP-DBC, dapat mag-resign na si Lala dahil nakokompromiso raw ang kanyang
objectivity dahil sa mga pahayag niya tungkol sa isyu.

BASAHIN  Contemplacion, inosente nga ba?


Sinabi naman ng ilang observers na, dapat diumano, ang hepe at mga opisyal ng UP-DBC ang
magsipag-resign en-masse, dahil sa pangungunsinti at baluktot nitong pananaw sa kalaswaan na
nakasisira sa moralidad ng higit na nakararaming Pilipino.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA