33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

P136-K drugs, nasamsam sa Pasig buy-bust operation

NAKASAMSAM ang pulisya ng P130,000 halaga nang pinaghihinalaang shabu sa isang buy-bust
operation sa Pasig City nitong Sabado ng umaga.


Nahuli sa operasyon ang isang 37-taong gulang na vendor na kinilala lamang na alyas Jabber,
residente ng Barangay Pinagbuhatan, sa naturang lungsod.


Nasakote ang suspek sa isang operasyon na inilatag ng Pasig City Police drug enforcement unit sa
Esguera St., Barangay Pinagbuhatan, alas-12:45 ng madaling araw.

Nakumpiska kay alyas Jabber ang apat na pirasong transparent plastic saches na naglalaman
nang pinaghihinalaang shabu, na bawat sache ay tumitimbang ng humigit-kumulang 20 gramo, at
may street value na P136,000. Kasama sa mga nakumpiska ang P200 buy-bust money, at P7,000
boodle money.

BASAHIN  P200-k, pabuya para mahuli ang nagnakaw ng iphone – Nieto


Kakasuhan ang suspect nang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA