33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Magbibigas sa San Juan City, nakatanggap na ng P15K

TUMANGGAP na ng P15,000 muila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)
ang mga nagtitinda ng bigas sa Agora Public Market, San Juan City, nitong Sabado.


Ibinigay ang ayuda sa mga malilit na retailer na apektado ng price ceiling ng bigas.


Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora, na maglalabas din ng P5,000 ang pamahalaang
lungsod sa susunod na linggo. Hindi rin sila sisingilin ng upa sa Agora Market sa loob ng isang
taon.


Umabot sa 24 sa kabuuang 48 na rehistradong nagtitinda ng bigas ang nabigyan ng minsanang
tulong na P15,000 mula sa pamahalaang nasyonal, para mabawasan ang pagkalugi ng mga maliliit na manininda.


Nagsimula noong Seytembre 5, Martes, nagkabisa ang price ceiling sa ilalim ng Executive Order
No. 39 na inisyu ng Malacanang kamakailan.

BASAHIN  4 Million seniors, tatanggap na ng social pension


Magkakaroon ulit ng ayuda para sa mga malilit na manininda ng bigas na hindi pa nakatanggap ng tulong-pinansiyal.


Ipinako ng EO 39 ang presyo ng regular-milled rice sa P41 kada kilo, samantalang P45 kada kilo sa well-milled rice.


Sinabi ni Agriculture ASec. Arnel de Mesa na malapit na ang pag-aani ng palay, kaya tiniyak niya
sa publiko na pansamantala lamang ang problem sa presyo ng bigas.


Samantala, sinabi ni DSWD ASec. Asa Colico na mamimigay uli sila ng cash assistance sa mga
retailer ng bigas sa iba’t ibang lugar sa susunod na linggo.

BASAHIN  Belmonte, Sandoval, Da best mayors sa NCR

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA