33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

36th Marikina Police Memorial Day ginunita

Ginunita ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang ika- 36th Marikina Police Memorial Day bilang pagbigay respeto sa mga namayapang pulis at pag-alay ng bulaklak sa Marikina Police Memorial Monument sa Loyola Memorial Park.

 Kinilala ng alkalde ang dedikasyon ng mga pulis sa kanilang serbisyo partikular na ang mga nasawing pulis sa habang tumutugon sa serbisyo.

“Today, we solemnly remember them. They gave their all in service of our country, in service of our city,” ayon kay Mayor Marcy Kasabay ng pag-aalay ng bulaklak ay nagbigay pugay din sa pamamagitan ng 21-gun salute mula sa Marikina Police.

 Kabilang si Marikina First District Representative Marjorie Ann “Maan” Teodoro, sa dumalo sa okasyom at nakiisa sa pag-alala sa kabayanihan ng mga pulis.

BASAHIN  Valenzuela PESO humakot ng multiple awards sa DOLE

“‘To serve and protect.’ Ito ang mandatong isinabuhay nila hanggang sa huli. Lubos ang aming pasasalamat na ibinahagi nila ang kanilang buhay para sa kapayapaan ng ating Lungsod ng Marikina,” ayon kay Cong. Maan.

Nakiisa rin sa okasyon sina Eastern Police District (EPD) Director Brig. Gen. Wilson Asueta at Marikina Police Chief Col. Earl Castilo na nanguna sa programa.

 Dumalo sa memorial day  ang mga pamilya ng nasawing fallen police officers, city officials, members of the Philippine National Police (PNP) Marikina, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at ilang civic organizations. 

Ang memorial monument sa Loyola Memorial Park ay itinayo para magunita ang pag-aalay ng buhay ng mga nasawing pulis.

BASAHIN  Fire drill sa QC school, naging makatotohanan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA