33.4 C
Manila
Sunday, June 30, 2024

2017 Asia’s Next Top Model, may tililing?

ANO kaya ang pinagdaanan ni Maureen Wroblewitz, dating Asia’s Next Top Model season 5, dahil
noon ay ginusto niyang magpakamatay?


Inamin kamakailan ni Wroblewitz na dumaranas daw siya ng problema may kaugnayan sa
kanyang mental health. Hindi niya nilinaw kung ano talaga ito, na labis na ikinababahala ng mga
taong malapit sa kanya.


Sa kanyang Instagram at Facebook posts, inilahad niya na noon, sumagi sa isip niya ang mag-
suicide, pero naagapan ito ng kanyang nakababatang kapatid.


“This girl that you see smiling and posing in front of the camera was thinking of all the easiest ways to end her life just a few months prior,” ayon sa kanyang post.


Kung hindi dahil sa maagap na pagresponde ng kanyang younger sister nang oras na gusto na
niyang magpakamatay, hindi raw alam ni Maureen kung buhay pa siya ngayon.


Nawalan daw nang tiwala sa sarili si Maureen noong siya’y nasa edad na 11, matapos mamatay
ang kanyang ina. Pinalala pa ito nang mahihirap na sitwasyon sa buhay na dinanas niya.

BASAHIN  VP Sara, nagpasalamat sa lahat nang kumilos para mapalaya ang SMNI anchors


Ayaw na niyang mandamay na iba pang tao, kaya mas pinili raw nayang sarilinin ang mapait at
masakit na nararamdaman.


“Hinimok ako ng aking mga magulang na magpatingin sa isang therapist. At matapos ang ilang
sessions, niregaluhan ako ng aking Dad ng aklat na Life Without Limits na isinulat ni Nick Vujicic.


Ito ang nagpabago ng aking negatibong pananaw sa buhay,” paglalahad ni Maureen sa English.


Sa edad na 13, malaki ang naitulong sa kanya ng aklat, dahil ito ang nagsilbing inspirasyon at
nagpakilos sa kanya na mangarap nang mataas.


Magmula raw noon, nagsikap siya para matupad ang kanyang mga pangarap. Hindi raw niya
maitatago ang madilim na bahagi ng buhay magpakailanman. Dapat daw siyang magsikap nang
husto para maging proud sa sarili.


Dahil dito, siya ang naging kaunaunahang Pilipina na nagwagi sa Season 5 ng Asia’s Next Top
Model noong 2017.


“I have always wanted to share more about my mental health struggles but I never knew how. I
now understand that the best way is to just do it, to speak my truth and people will listen,” ani
Maureen.

BASAHIN  Diskarte ng coops kung aling modern jeepneys ang bibilhin


Patuloy pa ring nakikipagbuno sa chronic depression si Wroblewitz, pero dahil sa suporta ng mga
kamag-anak at kaibigan, napagtatagumpayan niya ang bawat hamon na kaakibat nito.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA