NAGSIMULA na ang pamamahagi ng Balik-Eskwela Package ng Pamahalaang Lungsod ng
Muntinlupa (PLM) nitong Setyembre 4.
Ayon sa PLM, makatatanggap ang mahigit 90,000 mga estudyante ng lungsod mula
kindergarten hanggang grade 12, pati na rin ang mga mag-aaral sa Early Childhood Education
Centers.
Nanguna si Mayor Ruffy Biazon, sa pakikipagtulungan ng City Schools Division Office ang
pamamahagi ng Balik-Eskwela Package.
“With the high cost of commodities, your city government has set aside funds so we can help
families provide for their children. This is our way to help offset the cost of school supplies
especially for struggling families,” ayon kay Biazon.
Nakinabang ang mga mag-aaral sa Sucat Elementary School, Cupang Elem. School, Cupang
Senior High School, Alabang Elem. School, Pedro E. Diaz High School, at Putatan Elem.
School.
Ang bawat paketeng ibinigay ay naglalaman ng school bag, leather shoes, walong notebooks,
isang set ng lapis at pantasa para sa kinder hanggang grade 3. At iba’t ibang ball pen para sa
grade 4 – grade 12.
Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magulang na makapag-aral nang maayos ang kanilang
mga anak, makatitiyak tayo na magkakaroon nang magandang hinaharap ang batang
Muntinlupeño, saad ni Biazon.