33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Scalawag na pulis bawal sa SPD

Nagbabala si Director PBrigGen. Roderick Mariano sa mga tiwaling pulis ng Southern Police District (SPD) na hinding-hindi niya kukunsintihin ang anumang kalokohan sa kanyang puder kaya nagbabala na itigil na ang anumang illegal dahil tiyak na mananagot sila sa batas.

Ito ay kaugnay sa kalokohang ginawa ng isang Pasay Police at kinasabwat pa ang kapatid nito ang naaresto sa kasong robbery extortion, illegal detention at falsification of public documents na nambiktima ng isang dayuhang Chinese national.

 Nakilala ang suspek na si Staff Sgt. Lordgin Antonino y Mempin, 39-anyos at kapatid  na si Nelson Antonino y Mempin Jr., 20-anyos.

 Ayon sa report, ikinulong sa isang hotel ang babaeng biktima na si  Zhou Yunqing, 26-anyos, Chinese National.

BASAHIN  Driver laglag sa estafa

Nabatid na kinikikilan nila ng P500,000 ang biktima na kung saan ay nabuking ang kanilang illegal na gawain at pagkulong sa biktima sa  Qing Qing Hotel sa Pasay City.

Ayon kay Director Mariano, isang patunay na nagkamali ang pulis na kung saan ay kinasabwat pa ang nakababatang kapatid kaya kapwa na sila kulong na kung saan ay mananagot ang pulis na posibleng maalis sa tungkulin.

BASAHIN  Abalos, suportado ang pagsibak sa Mandaluyong police chief

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA