33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Lala Sotto, inulan ng batikos sa social media

INULAN nang bastos at maaanghang na batikos si MTRCB Chair Lala Sotto, matapos ipalabas ng kanyang tanggapan ang 12-araw na suspension sa It’s Showtime.

Naririto ang ilan sa mga pagbatikos:

Sa isang Twitter post, sinabi ng Adprom ng ABS-CBN na si Eric John Salut na “Wala kang
delicadeza, Lala Sotto, kadiri ka!”

Ayon sa Pep.ph showbiz portal noong Martes, sinabi ng entertainment writer na si Crispina
Belen na wala raw “due process” ang pagsuspindi sa It’s Showtime.

“Harmless” naman daw, ayon sa writer ng balita na si Jerry Olea, ang episode na kung saan nagtsutsuptsupan ng kani-kanilang daliri sina Vice Ganda at Ion Perez, na animo’y pantomime ng oral sex. Ayon pa sa report ng Pep.ph, dapat daw i-abolish ang MTRCB, “K*pal si Lala”, “Bobo si Lala”, etc.

Ayon sa isang retired journalism teacher, hindi na raw siya magtataka sa komento na bumatikos sa desisyon ng MTRCB. Dahil utak-monamon ang mga ito at hindi alam na ang MTRCB board ang nagdesisyon na suspindihin ang It’s Showtime at hindi lang si Sotto.

BASAHIN  Sen. Revilla, pinalalabas na masama ang MTRCB?

Sa katunayan, nag-abstain pa si Lala sa botohan. May impluensya kaya ang ABS-CBN sa hate speech na ito?

Sagot naman ng isang netizen, hindi niya akalaing ang isang ang isang edukada at senior
citizen writer ay magsasabi diumano na walang “due process” ang pagsuspindi. Kung totoo ang comment na ito, it appears na may dementia na si madam Crispina. Nalimutan na niya siguro to “carefully check the facts before writing”.

Kung kay Olea ay wala raw masama sa kontrobersyal na eksena nina Vice at Ion sa national TV na napanood na maraming kabataan. Pero ito’y sobrang masama para sa higit na nakararaming mga Pilipino, lalo na sa mga magulang, akademya, religious groups, atbp. Bakit kaya distorted diumano ang pananaw ni Olea sa isyu?

BASAHIN  Kamikaze band sinipa sa sorsogon

Ayon pa sa guro, sana gumawa ang Kongreso ng isang batas laban sa pagmumura,
pambabastos, walang basehang akusasyon, at mapanirang posts sa social media at iba pang platforms, para matigil na ito at maparusahan ang utak-kriminal na netizens.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA