33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Ahas kinatatakutan sa Pasig

Kinatatakutan ngayon sa Pasig City ang gumagapang na 10 foot long na ahas matapos na makakawala at mabilis na nakaalpas para magtago patungong kanal, ang nahuli na sana pero nakakawala pa sa  Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa hepe ng Pasig Police na si Col. Celerino Sacro Jr., isang 10-foot-long na ahas ang naibalitang nahuli noong August 27 ng mga tanod ng Barangay Pinagbuhatan subalit nakakawala rin at ngayon ay nagtatago sa kanal. 

Hinalughog na nila ang mga kanal sa buong barangay subalit sadyang mabilis ang ahas na posibleng nakakita ng magandang pagtataguan.

Nabatid na nagroronda ang ilang mga barangay tanod nang makarinig ng saklolo mula sa isang bahay ay doon na nila nahuli ang ahas.

BASAHIN  Friday 'Night Market' sa Pasig Palengke hiniling ng mga vendors

Kasunod nito, pinag-iingat ni Col. Sacro  ang mga residente ng Barangay Pinagbuhatan, maging sa mga katabing barangay sakaling lumitaw ang ahas.

BASAHIN  Mahigit 400 PWUDs, nakatanggap ng pamasko mula sa San Juan LGU

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA