Graft vs VP Duterte, patunayan – Enrile

0

“ANO ngayon ang basehan nila, ibinulsa ni Sara?


Ito ang tanong ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile nang hamunin niya ang
Makabayan bloc na patunayang ibinulsa ni Vice President Sara Duterte ang P125 milyong
confidential fund noong 2022.


Ibinunyag noong nakaraang linggo, ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ginastos
ng Office of the Vice President ang P125 milyon sa loob lamang ng 19 araw noong nakaraang
taon.


Idinagdag pa niya na walang anomang awtorisasyon ang Kongreso sa paglilipat ng P125
milyong confidential fund ng OVP, kaya labag ito sa Saligang Batas.


Aprubado raw ng Kongreso ang P125 milyong confidential fund ng OVP noong 2022, ito ang
paniniwala ni Enrile.


“Kilala ko si Vice President, nakakasama ko sa gabinete. Sa aking paningin matinong tao iyan at
saka siguro naman eh, pardon me madam vice president if I say this, maykaya sa buhay iyan,
hindi na siguro pag-iinteresan ‘yan… Simpleng mamuhay ‘yong tao na iyon. Nakikita ko siya
eh. Kung magdamit at pumapasok sa Cabinet meeting eh simple, akala mo hindi vice president,”
pahayag ni Enrile.

About Author

Show comments

Exit mobile version