ANG Pilipinas ay isa na sa mga pangunahing supplier ng tuna sa buong mundo.
Ito ang ibinalita ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (BFAR) noong Biyernes.
Ayon kay DA USec. for Fisheries Drusila Esther Bayate, isa na raw ang Pilipinas sa
mga pangunahing prodyuser ng tuna sa buong mundo, na umaabot sa 475,000 metric
tons noong 2022.
“At sa kabila ng liit natin (kung ihahambing sa US), nakakapag-export pa tayo. More
than 107,000 metric tons of tuna were exported last year. Nakaka-proud talagang
maging Pilipino,” saad ni Bayate.
Idinagdag pa niya na may malaking potensyal ang industriya ng tuna sa bansa.
Ito ang bahagi ng kanyang pahayag kamakailan, sa pagtatapos ng 23nd National Tuna
Congress and Trade Exhibit sa SM City, General Santos City.
Sinabi pa ng BFAR na umabot sa 10.25 percent ang tuna sa kabuuang produksyon ng
isda sa bansa noong 2022.
Samantala, binanggit ni DA-BFAR Director Demosthenes Escoto ang kahalagahan nang
pangingisda ng tuna sa bansa, sa harap na mga hamon nang tumataas na temperatura
ng karagatan.
Ayon sa ilang observers, hindi raw malinaw kung ano ang ginagawa ng DA-BFAR sa
problema nang tumataas na temperatura sa karagatan, pati na ang kalagayang pang-
ekonomiya ng mga mahihirap na mangingisda sa karagatang may tuna.