33.4 C
Manila
Sunday, July 13, 2025

Kulong na, may asunto pa

Doble-doble na ang kasong kinahaharap ng isang 40-anyos na lalaki na kabilang  sa listahan ng Most Wanted Person matapos hainan ng warrant of arrest habang nasa loob na ng kulungan para sa panibagong kaso, kahapon sa Valenzuela City.

Pinarangalan ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Rizalito  Gapas  si Valenzuela City Police Station (VCPS) chief PCol. Salvador Destura, sa pagkakahuli sa Most Wanted Person.

Inaresto ang akusado na si Emilio Reyes y Cabonilas, residente ng  Sampaguita St., Barangay Marulas, Valenzuela City.

Ayon sa report, nagsagawa ng manhunt operation and operational research on the Wanted Person ang mga tauhan ng Valenzuela Police sa pangunguna  ni PLt. Ronald Bautista  at hinainan ng Warrant of Arrest ang akusado bandang 4:25 Huwebes ng hapon sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Valenzuela City. 

BASAHIN  P340-K halaga ng shabu nasabat sa Navotas

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Mateo Altarejos, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 172, Valenzuela City na may petsang August 29, 2023, sa kasong Crime of Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A, paragraph 2 RPC in rel. to Sec. 5(B) of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648.

Nabatid na ang akusado ay nakakulong na sa kostodiya ng BJMP at hinainan pa ng panibagong kaso.

BASAHIN  Dahil sa walang humpay na pagtugis, most wanted ng Samar sumuko—Abalos

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA