SINIBAK na ni Associate Justice Ricardo Rosario ng Korte Suprema (KS) si Wilfredo
Gonzales, ang dismissed policeman na nasangkot sa viral road rage noong Agosto 8.
Ayon sa KS nitong Miyerkules, agad na sinibak noong Agosto 27 si Gonzales matapos
mag-viral sa social media ang video ng insidente, na kung saan binatukan at kinasahan
nito ng baril ang isang biker sa Quezon City.
Ayon sa media advisory, nilagdaan na ni Wilhemina Aileen Mayuga, judicial staff ni
Rosario, ang notice of termination. Si Gonzales ay isang coterminous na kawani sa
opisina ni Rosario.
Sinabi pa ni Mayuga na hindi raw kinukunsinti ng mahistrado ang anumang karahasan
o pang-aabuso sa kapwa.
Samantala, nakatakdang igisa si Gonzales sa isang Senate hearing sa susunod na
linggo, na hiniling ni Senador Jinggoy Estrada. Ito ay hiwalay sa balak ng Kamara na
kwestyunin din si Gonzales sa mapang-abuso nitong aksyon laban sa walang-labang
siklista.
Ipatatawag din ang mga pulis ng Galas Station 11 dahil sa kwestyonableng kasunduan
na pinapirma nila sa siklista at kay Gonzales na naglalahad na inaamin ng siklista na
siya ang may kasalanan, kahit na ito’y walang katotohanan.
Ayon kay Batang Maynila to its vlogger, ito pa lamang ang simula ng kalbaryo ni
Gonzales.
Hinimok niya ang seniors na mag-enjoy na lang sa nalalabing panahon ng
kanilang buhay at umiwas sa mga sitwasyon na maglalagay sa kanila sa ganitong
problema.