Nalambat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang miyembro ng West African syndicate na nagsu-supply ng kakaibang illegal na droga o mas kilala bilang “black cocaine” na inihahalo sa biscuits at cookies na may lamang chocolates, ang nabisto sa Cavite City.
Sa report mula sa tanggapan ni NBI spokesperson Giselle Dumlao, inaresto ng mga tauhan ng NBI Task Force Against Illegal Drugs (TFAID) si Benjamin Mosuke sa Dasmarinas, Cavite, matapos ang isinagawang follow-up operation laban sa supplier ng illegal drugs.
Nakumpiska mula sa suspek ang chemicals at ilang equipment sa paggawa ng illegal na droga at P20-M halaga ng cocaine.
Una nang naaresto sina Marissa Eusebio at Vanessa Alviar sa Parañaque City noong August 12, 2023 para sa tangkang pagbiyahe ng 3.15 kilogram ng cocaine.
Iniharap na sa City Prosecutor’s Office sa Dasmarinas City si Mosuke habang sina Eusebio at Alviar ay na-inquest na sa City Prosecutor ng Paranaque City noong August 25.