33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

3 patay, 3 sugatan sa nag-amok na lolo sa Cainta

Dead on the spot ang isang 68-anyos na dating OFW matapos paulanan ng mga bala ang ilang tauhan ng Cainta Police makaraang rumesponde sa ginawang pamamaril ng suspek na ikinasawi ng tatlong barangay tanod habang sugatan naman ang isang security  guard, kapitbahay at isang miyembro ng SWAT team, Sabado ng hapon sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal.

Nakilala ang nasawing suspek na si James Jazmines y Batong,  68-anyos, retired OFW at residente ng Greenland Subdivision, boundary ng Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal at Barangay San Juan, Cainta, Rizal.

Nasawi ang tatlong rumespondeng  barangay tanod na sina Romeo Paraisa Cortez, 55-anyos, Roberto Reyes  Donor, 51-anyos at Ronnie Aceveda Gonzales, 58-anyos,  pawang mga residente ng Barangay San Juan, Cainta.

Sugatan naman ang security guard ng Greenland Subdivision na si Bernard Sales, residente ng Cainta; Nagrereklamong kapitbahay na si William Celestino ng Sitio Victoria, Brgy. San Juan at SWAT Rizal member na si PCpl Glen Elzer Isagon ng Cainta Police.

 Ayon sa report, umalingawngaw ang putok ng baril sa loob ng Greenland Subdivision, partikular na sa Myrtle St. bandang 3:40 Sabado ng hapon na kung saan pinagbabaril ng suspek ang tatlong rumespondeng barangay tanod makaraang ireklamo ng pananakit ng kapitbahay na si Celestino na dumulog sa  tanggapan ng barangay.

BASAHIN  ‘JOSE RIZAL’, 3 araw na ikinulong sa Iriga

Kasama ng tatlong nasawi sa pagpunta sa bahay ng suspek ang security guard ng subdivision, anak ng biktima at si Celestino ngunit sa kasamaang palad ay pinagbabaril sila ng matanda.

Bandang 4:30 ng hapon ay rumesponde na ang mga tauhan ng Cainta Municipal Police Station sa pangunguna ng OIC PMaj. Jake Cariño, kasama ang pinagsamang puwersa ng SWAT Rizal at Taytay MPS na kung saan pagpunta nila sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ay bumulaga sa kanila ang suspek na unang nagpaputok ng baril.

Agad nilang pinalibutan ang bahay ng suspek upang mapangalagaan ang seguridad sa paligid, saka pinakiusapan  na sumuko na lamang ng maayos.

Ngunit pinaputukan nito ang mga rumespondeng pulis na nauwi sa pagkamatay ng suspek habang nasugatan naman ang isang miyembro ng SWAT Rizal na si Isagon, na agad namang nalapatan ng paunang lunas at nasa maayos ng kalagayan Nakuha sa krimen ang isang  U.S. Carbine caliber 30 na baril na gamit ng suspek.

BASAHIN  Bente anyos huli sa baril

Kasaluluyang iniimbestigahan ng Rizal Police ang pangyayari.

Samantala, pinarangalan ni PCol. Rainerio M De Chavez, Officer-In-Charge ng Rizal PNP ang mga rumespondeng Cainta at Taytay Municipal Police kasabay ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawing barangay tanod.

“Bagama’t matagumpay ang naging operasyon ng ating mga kapulisan, tayo po ay nakikidalamhati sa mga naulila ng ating mga kasamahang nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa Probinsya ng Rizal” ayon kay  PCol. De Chavez.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA