33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

PCSO, tumulong sa mga residente ng Isla Talim

PERSONAL na nag-abot ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO),
Rizal sa mga residente ng Isla Talim noong Agosto 11.


Ito ay pinangunahan nina PCSO: Director Janet Mercado, Rizal Branch Head Cynthia
Amelia Regudo, at Satellite Division Chief, Dr. Rouel Aparato.


Nag-abot sila ng 500 food packs para sa senior citizens at PWDs sa isla.


“Batid po naming ang pangangailangan ng ating mga kababayan ng tulong tulad ng
pagkain, kaya’t ang PCSO po katuwang ang Opisina ng Pangulo ay laging
nakahandang umalalay sa ating kapwa Pilipino,” ani Mercado.


Bukod sa food packs, 246 na mga residente ang nakatanggap din ng libreng bitamina
at gamot, matapos silang suriin ng PCSO medical and dental team.

BASAHIN  140 UM Engineering students, ibinagsak ng 1 propesor; Hindi sila ga-gradweyt ngayong buwan


Samantala, nagpaabot ng materyal na tulong ang ilang pribadong organisasyon sa
pamilya ng mga nasawing biktima sa bangkang Princess Aya, na tumaob Laguna de
Bay sa may bahagi ng Rizal, noong Hulyo 27.


Ang tulong ay pinangunahan ng Nineteen Aces Gaming and Amusement Corp. at Small
Town Lottery Corp. ng Rizal.


Ayon pa kay Mercado, ang pagtulong sa mga residente ng Isla Talim – kahit masama
ang panahon at nanganib pa ang buhay ng PCSO team – ay nagpapatunay na sila ay
hindi uurong sa pagtulong sa ating mga kababayan.

BASAHIN  P147-M jackpot ng Lotto 6/49 nadale ng Silang, Cavite 

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA