33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

2 taga-Caloocan dumayo sa QC para magnakaw

Inaresto ng Quezon City Police – La Loma Police Station ang dalawang lalaking taga-Caloocan City matapos maaktuhang nagnanakaw ng kable ng kuryente sa isang poste sa A. Bonifacio Ave., Brgy. Pag-Ibig sa Nayon, Quezon City.

Kinilala ni La Loma Police Station head PLtCol. Romil Avenido ang dalawang suspek na sina Alexander Mike Armas, 21-anyos, residente ng Stotsenberg St., Brgy. 70, Caloocan City at Christian Patungan, 31-anyos ng 9th Ave., Brgy. 63, Caloocan City.

Ayon sa report ng La Loma Police, nakatanggap sila ng tip kaugnay sa pagnanakaw ng cable wire sa lugar na kung saan positibong nasa lugar ang dalawang suspek.

Bandang 5:00 Biyernes ng madaling araw nang maaktuhan ang dalawang suspek na pumuputol ng kable sa kahabaan ng A. Bonifacio Ave., corner P. Gonzales St., Brgy. Pag-Ibig sa Nayon, Quezon City.

BASAHIN  3 tulak laglag sa ₱400-K shabu sa San Mateo

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang limang piraso ng 100 pairs x 26 gauge, 10 meters na nagkakahalaga ng P9,792.00; tatlong piraso ng 50 pairs x 26 gauge, 8 meters P6,173.00; isang steel saw; at sako.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 10515 o Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013 sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Samantala, pinarangalan naman  ni QCPD Director Police Brigadier General Nicolas D Torre III ang La loma Police Station sa pagsugpo sa mga illegal na gawain at pagpapanatili sa anti-criminality operations.

BASAHIN  Manyak ng Guimaras, huli sa Caloocan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA