Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Pasay City Police at Caloocan Police Station ang kinikilalang top most wanted person ngayong August 2023 matapos malambat sa ikinasang follow up operation.
Nakilala ang suspek na si Jeffrey Carranza y Abad, 31-anyos, residente ng Pasay at nagtago sa Caloocan City.
Si Abad ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Naganap ang follow up operation sa pangunguna ng Warrant and Subpoena Section ng Pasay City Police na nakipag-ugnayan sa Caloocan City Police at magkasabay na nagtungo sa Talimusak St., Kaunlaran Village, Caloocan City, bandang 2:00 Martes ng hapon.
Nahaharap ang akusado sa Criminal Case No. R-PSY-22-01671-CR, sa paglabag sa Republic Act 10591 na kung saan ang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Rowena Nieves Adena Tan, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 118, Pasay City, na may petsang June 1, 2023.
Kasalukuyang nakakulong si Carranza sa Station Custodial Facility ng Pasay City Police Station.