Most wanted person ng Pasay huli sa Caloocan

Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Pasay City Police at Caloocan Police Station ang kinikilalang top most wanted person ngayong August 2023 matapos malambat sa ikinasang follow up operation.

Nakilala ang suspek na si Jeffrey Carranza y Abad, 31-anyos, residente ng Pasay at nagtago sa Caloocan City.

Si Abad ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Naganap ang follow up operation sa pangunguna ng Warrant and Subpoena Section ng  Pasay City Police  na nakipag-ugnayan sa Caloocan City Police at magkasabay na nagtungo sa Talimusak St., Kaunlaran Village, Caloocan City, bandang 2:00 Martes ng hapon.

Nahaharap ang akusado sa Criminal Case No. R-PSY-22-01671-CR, sa paglabag sa  Republic Act 10591 na kung saan ang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Rowena Nieves Adena Tan, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 118, Pasay City, na may petsang June 1, 2023.

Kasalukuyang nakakulong si Carranza sa Station Custodial Facility ng Pasay City Police Station.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...