₱1.5-M ilegal na droga, mga baril nasabat sa Rizal

TUMATAGINTING na P1.5 milyong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nasabat ng Rizal PNP sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation nitong Enero 28, 2025 sa Taytay at Antipolo City.

Sa ikinasang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taytay Municipal Police Station, apat na mga suspek ang nakuhanan ng hinihinalang shabu nang ito ay kapkapan matapos arestuhin ng mga awtoridad.

Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, ang mga suspek na sina alyas “Al,” isang high value target (HVI), alyas “Ronaldo,” alyas “Mark,” at alyas “Benjamin” na pawing mga street level individuals (SLI).

Ayon kay Maraggun, isang kalibre .45 na baril na kargado ng limang bala, ang nakuha sa mga suspek sa nasabing buy-bust na isinagawa sa San Lorenzo Ruiz area sa Brgy. San Juan kung saan nasa 53 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha na may street value na P360,400.

Nahuli naman sina alyas “Ryan” at alyas “John,” na parehong high value individuals (HVI) sa isang buy-bust na ikinasa ng SDEU ng Antipolo Component City Police Station sa Rosal Street, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Maliban sa 180 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,224,000, nahulihan din ng .40 caliber pistol at 5 bala ang mga suspek, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Samantala, 4 na iba’t ibang kalibre naman ng baril at mga bala ang nakuha mula kay alyas “Miguelito” nang ihain ng mga operatiba ng Baras Municipal Police Station ang search warrant na inilabas ni Executive Judge Agripino Bravo ng Regional Trial Court sa Lucena City.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa Manalo Street, Sitio Kapatagan, Brgy. Pinugay ala-1 ng madaling araw nitong Enero 28, 2025 kung saan mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 10591 o Firearms and Ammunition Act at Omnibus Election Code.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...