33.4 C
Manila
Tuesday, December 17, 2024

Pananagutin, mga amo ng kasambahay na si Elvie Vergara –Jinggoy

PINAGSAYAW ng hubo’t-hubad, minartilyo ang ari at mga kamay, pinaso ang ulo’t
katawan, iniumpog ang ulo sa pader, binungi, binulag, at iba pang pisikal at emosyonal
na pang-aabuso na paulit-ulit daw na ginagawa sa loob ng nakaraang tatlong taon.


Pati si Satanas ay mahihiya raw sa walang-katulad na kabalakyutan ng mga amo ng
kasambahay na si Elvie Vergara, 44, ayon sa ilang kapitbahay.


Bilang tugon sa kasuklamsuklam na kaso ng pang-aabusong ito, nangako si Senador
Jinggoy Estrada na kanyang gagawin ang lahat para panagutin ang mga amo nito.


“Walang puwang sa lipunan ang mga taong pinagsilbihan ni Elvie ng anim na taon.


Sakali man na mayroong nagawang pagnanakaw ang kasambahay, legal na aksyon o
karampatang hustisya ang dapat manaig. Hindi natin dapat inilalagay ang batas sa ating
mga kamay,” ani Estrada, ama ng Batas Kasambahay o ang R.A. No. 10361.


Sa panayam ni Estrada kay Vergara sa kanyang online show na JingFlix noong
Biyernes, nangako ang senador ng tulong legal at pinansiyal sa biktima. Tiniyak din
niyang tutustusan ang gastusin sa operasyon sa mata mga nito.

BASAHIN  Brownlee, Nais maging army reservist team China, tila namatayan


“Pinagbibintangan po na nagnakaw ng cash na P12,000 at relo na nagkakahalaga ng
P15,000,” kwento ni Babylou, kapatid ng biktima, kay Estrada nang tanungin nito kung
ano ang maaaring naging rason ng mga amo ni Elvie para ito ay patuloy na
pagmalupitan.


“Ako mismo ang magpa-follow-up sa mga awtoridad para mahuli itong mga employer ni
Elvie,” ani Estrada.


Samantala, patuloy na mino-monitor ng Philippine Legal Justice Center (PLJC), na
itinatag ni Senador Francis Tolentino ang kaso ni Vergara.


“Bilang chairman ng Committee on Justice and Human Rights, ako mismo (ang)
nakatutok dito, e kasi yung tao ko nga, nagpadala na ako ng mga abogado at may
hearing sa August 23, at pinag-aaralan namin kung magkakaroon din nang pagdinig sa
Senado,” ani Tolentino.

BASAHIN  Graft, technical malversation, tuloy pa rin vs. Garin atbp.


Sinabi ng senador na mahaharap ang employer sa mga kasong serious physical
injuries and serious illegal detention sa ilalim ng Revised Penal Code, at paglabag sa
Republic Act No. 10361 o ang Batas Kasambahay.


Ayon pa kay Tolentino, pinag-aaralan niya ang posibilidad na mag-file ng panukalang
batas na magbibigay nang mas mabigat na parusa laban sa mga mapang-abusong
employers.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA